top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Isang Wika ng Musika


Isang Wika ng Musika What is music in people's lives poem by Ronjo Cayetano
What is music in people's lives poem

Sa gitna ng dilim musika ang ilaw,

sa labis na pagdaramdam liriko ang siyang tanglaw.

Kakampi sa pag-iisa—pamatid ng pusong nauuhaw,

pangungulila'y maiibsan sa himig na kaulayaw.


Malayo man ang bukas hangga't may tono,

mananatili ang kumpiyansa at ang tiklado.

Sasabay sa saliw kahit pa sintunado,

siyang muling magbubukas ng isipang sumarado.


At kapag dumaan sa pait nyaring buhay,

pighati, pasakit at lumbay.

Paghihilumin muli at bibigyang lakas,

muling maitutuwid tumataliwas na landas.


Iba-iba man ang lahi subalit may iisang wika,

kakampi, kaibigan at pag-ibig ay siyang tugma.

Lingguwahe man hindi mawari,

sa musika damdamin ang siyang naghahari.

...

Isang Wika ng Musika by Ronjo Cayetano

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page