Isang Lahi'y Kapitbisig
Hindi nagiging madali
ang bawat sandali
na tinatamaan ng kalamidad
ang mga munting tahanan,
na tinatangay at hinahagupit
ang mga kagamitang napakahalaga,
at kinukuha ang lakas at hininga
ng mga nananahimik ba mga tao.
Nakakapinsala't nakatitibag,
masaklap ngunit 'di maiiwasan
kalamidad ay laging magdudulot ng paghihirap
ngunit ito'y tatapatin ng mga magigiting na kapwa,
na bawat Pilipinong malulunid ay sasagipin
mga taong mahuhulog ay hihilahin pabalik,
kumakalam na sikmura'y papawiin,
at buhay na nangangalahati'y pipiliting buuin.
Para sa hamon ng panahon,
ang bawat isa'y kikilos at sasabay
susugod bitbit ang natitirang lakas ng loob
itataya ang buhay para sa humihingi ng tulong
kapós ma'y mag-aabot pa rin ng kamay sa nangangailangan
at ibubuhos ang dugo't pawis para walang buhay na mabawi
tunay na pagkapitbisig ang mamumutawi
dahil dugong Pilipino'y nananalayatay.
...
Isang Lahi'y Kapitbisig by Colin Cris Celestial
Hozzászólások