top of page

IS(I)NANGKAL (N)A BUH(A)Y

  • Writer: Ronjo Cayetano
    Ronjo Cayetano
  • May 2, 2021
  • 1 min read

INA salamat sa'yong pag-aruga,

Sa walang pagod mong pag-aalaga,

Mula sa 'yong sinapupunan,

Hanggang sa kasalukuyan,

INA hindi mo ako pinabayaan.


Kasangga sa lahat ng bagay,

Sa kapahamakan handa kang humarang—

ibigay ang buhay,

INA sa huling yakap mong ipinadama,

Sa init ng 'yong hininga.


Dama ko ang takot at pagmamahal,

Bilang pag protekta sa mahal na anak sa kamatayan ika'y nagpasakmal,

Patawad INA sa balang dapat sa akin ika'y sumangga,

Salamat— patawad mahal kong INA; sabay na tayong magpahinga.

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page