Interview
Sinuot ko ang aking pormal na damit bilang paghahanda sa gaganaping interview mamaya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama sapagkat naghahalo-halo ang galak, kaba, at pangamba.
Binuklat ko ang folder na aking hawak at binasa ang mga nakasulat. Kalauna'y sinara ko ito't inayos ang pagbitbit dito.
Huminga ako nang malalim at ngumiti nang maayos sa harap ng salamin bago lumakad papunta sa malaking kompanya dito sa aming syudad.
Nang marating ang kompanyang matagal ko nang pinaghahandaan para makapasok, nagbunyi agad ako nang ako agad ang nanguna sa pila.
Ika nga nila, early is best!
Lumipas ang ilang minuto'y narinig ko ang mabibigat na yabag ng mga tao sa aking likuran. Paniguradong sila rin ay naparito para sa interview.
Agad kong inayos ang aking tindig, gayundin ang mga nasa likod ko nang mapansin namin ang ma-awtoridad na presensya nitong lalaki. Oras na siguro para sa interview!
Ngumiti ako nang maayos sa harap nitong lalaki naglalakad at sinusuri ang bawat tao na kaniyang madaanan.
Nang tumigil siya sa mismong harapan ko'y nagsalita siya.
...
Young Pilipinas flash fiction
コメント