top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Internet Love pa more!


Internet Love pa more! by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Internet Love pa more! by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

Nakangiti ka pang nagseselpon, para kang crazy,

‘yong mama mo, biglang nagulat, ‘di ka na raw lazy,

pa’no ba kasi sinipag ka nang magtrabaho sa bahay,

kulang na nga lang, hugasan mo lahat ng plato sa baranggay.

Narealize mong sa ex mong mukhang bayawak, siya ay mas better,

hindi ka na naiinggit sa magjowa, hindi ka na rin bitter,

grabe, naniwala ka bigla sa distance doesn’t matter,

number one fan ka na rin na sa internet love ang tunay na forever.

Yie, may ka-late night talk ka na, halos ayaw itigil ang pag-uusap,

malayo man daw sa isa’t isa, love naman ay lasap na lasap.

Naks! Nagpaload ka pa, e sa video call, noo lang naman ang pinapakita,

isang mensahe lang ni crush, heart mo agad nagwawala.

‘Di ka pa nakontento, sinearch mo na pati bahay niya sa google map,

good mood ka na rin lagi, ‘di na naiirita sa nanay mong nagrarap,

nagbuild na rin kayo ng pangarap for the future,

abot-langit na ang ngiti mo, sa kaniya ay sure na sure.

Ilan nga raw magiging anak ninyo? Ah walo,

saan nga raw siya nakatira? Ah edi sa puso mo,

yie, aminin mo, kinikilig ka naman sa banat niya,

pero hoy! ‘yong sinaing mo, sunog na, banatan kaya kita.

Ngunit nanlamig na siya bigla, nawala ang init ng inyong love,

‘di na rin siya nag-a-update, parang ‘di ka na niya love,

kinabukasan, ‘di na siya nagpaparamdam kaya ka kinabahan,

‘di na siya nagchachat, ‘di sumasagot ‘pag tinatawagan.

Akala mo, pagod lang siya kaya ikaw ay naghabol,

pero nang sumunod na araw, sa iba na pala siya na-fall,

akala mo pinagpalit ka na niya, e shonga! ‘di mo lang ‘yon akala dahil pinagpalit ka na talaga,

masyado ka raw kasing malayo kaya naghanap ng mas malapit sa kaniya.

Oh ano? Sipon mo tumutulo na sa kaiiyak,

nahihurt ang ‘yong feelings, heart mo ay nabiak,

akala mo mahal ka niya, pampalipas oras ka lang pala,

nagpakaloyal ka na’t lahat, pinagpalit ka pa.

Mas worst pa pala ang taong inakala mong mas better,

back to normal ka tuloy, back sa pagiging bitter,

sinumpa mo na rin ang katagang ‘distance doesn’t matter’

internet love pa more! Che! Walang forever!

1 comment

1件のコメント


不明なメンバー
2021年7月15日

💛💛💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page