top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Independensya


YoungPilipinas.com Filipino Flash Fiction - Young Pilipinas

Sanay akong palaging kasama si Mama. Mula noong naaksidente kami na naging dahilan ng pagkabulag ko. Kaya ganoon nalang niya ako alagaan at bantayan. Dama ko ang init at lumanay ng kanyang hininga na puno ng pagmamahal, habang bumbulong ng mga kataga sa aking taynga.

"Anak palagi mong tatandaan mahal na mahal ka ni mama; pero 'nak kaylangan mo din magsanay na wala ako, dahil hindi ako palaging narito para gabayan ka. Dadating ang panahon 'nak na iiwan din kita kahit hindi natin gusto. Wala man ako sa tabi mo palagi 'nak para akayin ka sa tamang daan, palagi akong gagabay diyan sa puso mo." Mga salitang binitiwan ni Mama bago tuluyang tinangay ng hangin ang kanyang tinig at presensya.


"Ma, kaya ko na po. Pinapalaya na kita."

0 comments

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page