top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Inabusong Pang-aabuso


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas Nerelyn Fabro

Apoy na nagliliyab ang mga pangako t'wing eleksyon;

'di matupok ang plastik nilang pangangampanya't aksyon,

animo'y mga pusang maamo't nagbibigay pa ng ayuda,

ngunit tigreng halimaw naman kung sa upuan ay nakaupo na.


Pinaniniwala ang mga tao na may magaganap na pagbabago,

tunay namang may nagbago 'pagkat lumala pa ang delubyo,

nilugmok ang bansa sa kahirapan, ang pang-aabuso ay inabuso,

ang mabaho nilang ugali ay hindi na kayang pabanguhin ng pabango!


Nagmamalinis kung kaya't hinuhugasan marurumi nilang kamay,

kahit pa ang kamay na iyon ay ginamit sa pagkitil ng buhay,

ginugutom ang mga gutom, ilang libo na ba ang nahimlay?

gumagawa ng proyektong puro naman mga sablay!


Marami ang tumatangis ngunit humahalakhak sila nang palihim,

mga buwayang dragon, mga mapagkunwari't sakim!

Idadaan ko sa tula itong pag-aalab ng damdamin,

ano nga bang silbi ng boses kung 'di rin nila diringgin?

1 comment

1 Comment


Unknown member
Jun 17, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page