top of page

Ikaw pa rin

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

A poem about remembering loved ones - Young Pilipinas Poem
A poem about remembering loved ones

Niyayakap na lamang ang hangin‚

ngunit ikaw pa rin ang laman ng isip‚

nagmumuni-muni sa nakaraan natin‚

sana makasama ka kahit sa panaginip.


Kaybilis nating napaibig ngunit mabilis ka ring kinuha‚

nang dahil sa isang trahedya’y bigla kang nawala.

Pati ang pangarap na binuo‚ gumuho na nang tuluyan‚

paano na tutuparin kung nandyan ka na sa himlayan.


Ilang gabi rin ang ibinuhos ko sa pagluha‚

walang tulog‚ nalulungkot at tulala.

Ilang panyo rin ang pinunas at nabasa‚

ngunit ’di ka na babalik‚ walang magagawa.


Ang paghalik mo sa aking noo‚

napalitan ng paghalik ko sa kwadrado mong kahon.

Ang pag-alay mo ng bulaklak na mabango‚

napalitan ng paghagis ko ng bulaklak habang ika’y binabaon.


Hindi kita kalilimutan pati ang alaalang binuo‚

palaging iisipin kahit malabo nang magtagpo‚

sapagkat nagpaalam ka man sa mundo‚

ngunit hindi sa aking puso.

Related Posts

See All

Kommentare


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page