top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ikaw at Ikaw


Young Pilipinas Poem - A poem about a person who always chooses the same person
A poem about a person who always chooses the same person

Lumalawak ang imahinasyon kapag hindi tayo magkasama‚

palagi akong nananabik sa kakaiba mong presensya‚

naiisip ka palagi mula gabi hanggang umaga‚

gano’n ba kapag malakas ang tama‚ kapag mahal na mahal ka?


Ang lahat ng bigat ay gumagaan kapag ikaw ang kausap‚

ang boses mo’y musika na nakabubuo ng pangarap‚

may tahanang natatagpuan kapag sa’yo nagpapahinga‚

kaya gusto ko palaging mapagod dahil ikaw ang pahinga.


Handa akong mangolekta ng mga rason para ikaw ay mapasaya‚

dahil ang kurba ng labi mo’y bumubuo ng araw‚

ako ang dayuhan na handang maglakbay‚

dahil may paraiso sa’yong ngiti na aking dinadalaw.


Paborito kong titigan ang sinasabi nilang karaniwan lang‚

ngunit hindi naman karaniwan ang ’yong mga mata‚

may kalawakan akong nakikita sa tuwing tinititigan kita‚

may uniberso sa’yong mga sulyap na ’di nakikita ng iba.


Ikaw at ikaw lamang ang aking iibigin‚

walang makapapantay sa’yo‚

’wag ka nang mawawala‚ ’yan ang panalangin‚

'di ka ipagpapalit kahit kanino.

0 comments

Related Posts

See All

Commenti


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page