top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ikaw ang Bahala


A poem about sacrifice
A poem about sacrifice

Damhin mo itong haplos ng palad kong pinamugaran ng kalyo,

damhin mo ang pagmamahal ng isang amang tulad ko,

gagawin ang lahat makuha lang magandang kinabukasan,

wala mang gintong maipapamana, para sa ‘yo ako’y lalaban.

Malalim na karagatan ay aking sisisirin,

kakarampot man ang barya ay pagtitiyagaang ipunin,

mapuno nawa ng aral ang utak mo sa edukasyon,

mangigisda lang man ako, roon kita maiaahon.

Yakapin mo ang pawis kong nagiging kulay dugo,

hiling na ang pangarap ko sa ‘yo ay hindi mabigo.

Yakapin mo ang mata kong sa buhay ay nagmamakaawa,

sa hirap ng pandemya, nawa tayo ay makalaya.

Kunin mo itong perang papel na nakakulong sa aking palad,

ibili ng gadyet upang sa pag-aaral ay makausad.

Kunin mo yaong barya para sa iyong proyekto,

mangingisda muli ako, panload sa selpon mo.

Kapitan mo aking kamay, higpitan mo, oh, anak,

kapitan mo ang katawan kong sa pawis ay tagaktak,

kapitan mo… kapitan mo… at kapag ikaw ay nakapagtapos, ginhawa ay natamasa


kung kakapitan pa ang kamay ko o bibitawan na, ikaw ang bahala.

1 comment

1件のコメント


不明なメンバー
2021年8月12日

💛💛💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page