top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Ikaw Ang Aking Pangarap


Ikaw Ang Aking Pangarap (Wedding Vow Poem) - - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)
Ikaw Ang Aking Pangarap (Wedding Vow Poem) - - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Naalala ko pa noong sandaling hiningi ko ang 'yong mga kamay,

kinakabahan ako no'n lalo na kapag nakatitig sa'kin mga mata mong kay pungay.

Takot sa mga salitang manggagaling sa'yong bibig,

baka kasi—mabigla ka; sabihin mong hindi! na ikawawasak ng aking daigdig.


Subalit mahal—hindi,

hindi mo ako binigo nang sandaling sabihin mong Oo mahal! handa ako sa'yong magpatali.

Kasabay ng mga kataga na 'yong binitiwan,

ay ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha sa labis na kasiyahan.


Salamat mahal tinulungan mo akong abutin ang aking pangarap,

at oo ikaw 'yon, ang pangarap na hiniling ko sa mga ulap.

Heto tayo ngayon sa harap ng D'yos para manumpa,

hawak ang 'yong kamay—ito na ang ating pasimula.


Ikaw ang prinsesang umibig sa tulad kong mandirigma,

sa singsing na ito ay naka-ukit ang pag-iingat at pangakong sa piling mo'y hindi ako mawawala.

Kasama mo ako mahal sa mga saya maging sa pagluha,

mahal na mahal kita; isa kang regalo mula kay Bathala.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page