top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ihinto ang Pang-aabusong Sekswal


Young Pilipinas - A poem about Sexual Assault Awareness Month
A poem about Sexual Assault Awareness Month

Humahagod hanggang hita ang pagdausdos ng mata‚

ang mga titig ay may halong pananabik‚

ninanais makaramdam ng kaunting romansa‚

sa katawan na tatahi-tahimik.


Walang paalam kung mang-abuso‚

humihipo’t nanghahalik nang biglaan‚

walang lugar o panahon na pinipili‚

kung ang nag-iinit na ay katawan.


Ilan pa kaya ang magiging biktima?

Ng pang-aabusong hanggang ngayon ay talamak‚

ni wala na ring binabatayang relasyon‚

nagiging biktima maging mismong anak.


Ang sekswal na pang-aabuso ay dapat mahinto‚

nagtatanim ito ng habang buhay na takot‚

lalo’t kung ito’y wala namang permiso‚

hindi agad nababaon sa limot.


Nagmamay-ari tayo ng sari-sariling katawan‚

’di ginawa upang abusuhin lamang‚

isang sagradong bagay na ’di basta-basta hinahawakan‚

lalo’t kung walang pahintulot na nakalaan.


Hindi sa ikli o haba ng damit‚

hindi sa edad o hubog ng katawan‚

kung ang mata ay biglang naakit‚

nagiging aktibo ang tawag ng laman.

...

Ihinto ang Pang-aabusong Sekswal - Young Pilipinas Poetry

Written by Nerelyn Fabro

A poem about Sexual Assault Awareness Month

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page