top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ibigin tulad ng Sarili


A poem that will reminds us to love animals
A poem that will reminds us to love animals

Hindi mo ba rinig ang munti nilang pag-iyak?

Dulot ng tahanan na unti-unting winawasak.

Hindi ka ba naaawa dahil sa ’yong mga balak?

Oo nga’t magkakapera ka, sila nama’y mapapahamak.


Ang kalikasan ang nagsilbi na nilang tirahan,

maaari kang mamangha’t bumisita ngunit pakaingatan,

may buhay rin sila’t humihinga, may nararamdaman,

kung sisirain ang kapaligiran, para mo na rin silang sinaktan.


Mag-isip nang mabuti bago gumawa ng aksyon,

mga hayop sa gubat, ’wag bawasan ang populasyon,

’wag magputol ng puno, ’wag gumawa ng polusyon,

upang ang kanilang lahi, maipasa pa sa susunod na henerasyon.


’Wag hintayin na maglaho sila bigla,

tipong sa susunod, sa litrato na lang makikita.

Hangga't sila’y buhay pa, matutong mag-alaga,

magkaroon ng pakialam, tiyak sila'y matutuwa.


Mahalin mo ang hayop gaya ng pagmamahal mo sa sarili,

ibigin mo sila nang buong puso’t ’wag maging makasarili.

Sirain man ang ’yong tahanan, ikaw rin ay masasaktan,

kaya huwag gagawin sa kanila ang ayaw mong maranasan.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page