top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Ibig Na Lumaya


A poem that gives hope for freedom
A poem that gives hope for freedom

Naupós na ang pasensya ng bawat Pilipino

noong panahong pinagmamalupitan pa ng mananakop

Hindi kailanman naging madali ang pag-iisip kung paano

makakawala sa hawla na may angkop


Nang dumating ang oras na pinakahihintay

ang pagputol sa nakakapasong tanikala ay nagtagumpay

Ang mga nagsakripisyo ay mahimbing na nakahimlay

habang bagong bukas ang nabigyan ng kulay


Nawa'y magsilbing aral at pag-asa

ang 'di maibabaon sa limot na kasaysayan

na binuo ng mga kapwang nagkaisa

noong panahong naghahangad ng kalayaan

Para sa mga taong piniit at 'di nakawala

sa mga hawla ng mapang-abusong nilalang

gawing humilig sa mga ala-ala

upang sumulong ang sariling katapangan

Sarili'y 'di dapat piitin — markahan

'di rin dapat abusuhin at pagsamantalahan

ng simumang magtatangkang kumapit sa kasamaan

na magpapawala sa kapayapaan at kalayaan.

0 comments

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page