top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Huwag ako, Iba na Lang


Huwag ako, Iba na Lang by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Huwag ako, Iba na Lang by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

Pinitas mo ang bituing nananahimik sa kalangitan,

inalay mo sa akin ngunit tinapon ko sa karagatan.

Pinabulaklak mo ang salita kapalit ng aking pagtitiwala,,

ngunit mailap ang puso ko kung kaya’t ‘di madaling makuha.

Pilit mong pinasok ang pinto ng damdamin kong nakasara,

ngunit pilit din kitang pinaaalis, pinagtatabuyan ka.

Batid mo namang marami ng ginoo ang nabigo akong sungkitin,

Alay mo man ay tunay na pag-ibig, sa akin nama’y dilim.

Ano ba ang sa akin ang iyong naibigan? May sira ka ba sa pag-iisip?

Bakit ako ang ‘yong natipuhan? Gayong kung tutuusi’y isa akong masamang panaginip.

Hindi ba malinaw na malabong ikaw ay akin ding gustuhin?

Oo nga’t binibini akong isinilang ngunit hanap ko’y binibini rin.

0 comments

Related Posts

See All

Yorumlar


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page