top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Huling Pagkikita


A sad poem about OFW
A sad poem about OFW

Pinunasan mo ang luha

sa mata mo ay pumatak,

pigil ang paghikbi,

walang bahid ng galak.


Tinignan kami isa-isa,

sinusuyod ang aming mukha.

Niyakap nang mahigpit,

tila ba huling pagkikita.


Hinalikan mo kami sa noo,

sabay lakad papalayo,

huwag ka raw umalis,

pagmamakaawa ni bunso.


Tumungo ka sa ibang bansa,

nagsakripisyo't nagtrabaho,

kahit pa ang kapalit

ay pangungulila sa pamilya mo.


T'wing ika'y kumustahin,

sagot mo lagi'y maayos ka,

kahit pa naririnig namin,

may lungkot kang iniinda.


Para sa aming pangangailangan,

nagtiis ka sa paghihirap,

kayhirap man na sayo'y mawalay,

ngunit gagawin para sa pangarap.


Ibang anak ang inaalagaan,

imbes na kami ang nasa 'yong tabi.

Ngunit inintindi ang sitwasyon,

pinalakas ang sarili.


Wala ka sa mga selebrasyon,

nakapagtatampo kung minsan.

Ngunit ramdam namin ang pagkagusto mo,

wala kang magawang paraan.


Nasasabik na kami sa init ng yakap mo,

sa t'wing naiisip ka'y naluluha.

Tugon mo'y kaunting laban na lang,

tayo na'y magkikita.


Ngunit sa telebisyon ay nabalitaan,

isang OFW ang pinatay.

Minaltrato pa't pinagnasaan,

hanggang bawian ng buhay.


Bumagsak ang aming tuhod,

hindi makapagsalita.

Natutulala't umiiyak,

ayaw naming maniwala.


Hindi na pala mauulit at magagawa,

mga pangako mo sa amin.

Nasasabik na kami sa iyo,

ngunit huling pagsasama na pala 'yon natin.



...

Young Pilipinas Poetry



1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


Unknown member
Mar 01, 2022

💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page