top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Horror


Scary experience in school fiction
Scary experience in school fiction

Umaga. Normal na araw. Nakauniporme ang lahat ng estudyante at nagtungo na sa kaniya-kaniyang silid. Hindi na bago sa aming pandinig na dating sementeryo ang aming eskwelahan kung kaya’t normal na ang mga kuwento-kuwentong palaging may nagaganap na kababalaghan — nakapaninindig ng balahibo.

Hindi ako naniniwala sa mga ganito dahil hindi pa naman ako nakakikita. Kapag nagkukuwento nga ang mga kaklase ko na nakakita sila ng mga ’white lady’ na umiiyak o doppelganger ng isang teacher ay hindi man lang ako nakararamdam ng kahit na anong kaba.


Ngunit... Sabado at Linggo, wala kaming pasok. Nang dumating ang Lunes, biglang nag-iba ang pakiramdam ko.


Umagang-umaga. Sabay-sabay kaming pumasok sa aming silid. Magtuturo na sana sa amin ang gurong si Mr. Sanchez ng math kaso may naamoy kami bigla na kakaiba.


Tila ba papatayin kami sa baho nito. Nakatakip kami ng ilong lahat.


"Sabi sa inyo may namatay na sa paaralan na ito!" garalgal na sigaw ng isa kong kaklase.


"Oo nga, ganitong-ganito ang amoy ng isang namatay!" pagsang-ayon ng isa pa at halatang-halata na nanginginig na siya sa takot.


Ako man ay kinikilabutan na rin dahil 'first time' ko itong naranasan. Ngunit dahil sa kyuryosidad, kusang naglakad ang aking paa at hinanap kung saan nanggagaling ang amoy na iyon. Labag man sa aking kalooban ngunit hindi ko na kaya ang baho, nagtakip na lamang ako ng panyo sa aking ilong.


Dinala ako sa isang pinto. Ayoko man buksan ngunit dito ko malalaman kung ano ang mabahong iyon.

Pagbukas na pagbukas ko, lumala pa ang amoy at lalong umalingasaw.


"SINONG DUMAMI RITO AT HINDI NAGBUHOS?"


...

Young Pilipinas Flash Fiction

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page