Hinusgahang Kapalaran
Nakagis'nan na ni Sarah ang isang kahig isang tukang pamumuhay. Kung kaya't doble kayod ang kanyang ina na tumatayo na ring ama, upang matustusan ang kanyang pag-aaral.
Sa murang isipa'y buo na ang kanyang mga pangarap na nais marating. Binuno niya ang hirap at nagsunog ng kilay para sa inaasam na tagumpay.
Isang gabi sa daan galing eskwelaha'y may bigla na lamang humablot sa kaniya.
"Parang awa niyo na! H-hindi ko na kaya, m-masakit na." Sigaw niya habang ginagahasa ng tatlong kalalakihan.
Pagkatapos noo'y swerte siyang nabuhay sa kabila ng mga kaliwa't kanang saksak.
Lumipas ang mga panahon subalit sa kasamaang palad ay hindi na natukoy ang mga salarin.
Naging aral ito para kay Sarah. Hindi siya nagpadala sa sakit ng nakaraan at pangungutya ng mga tao. Ginamit niyang lakas ang kahinaang ibinabato sa kaniya. Nagsikap siya ng mabuti.
Makalipas ang halos tatlumpung taon. Mga gumahasa sa kaniya sa wakas ay nahuli na.
Sa harapan niya'y mangiyak-ngiyak niyang itunuro ang tatlo habang nakatayo.
"Kayong tatlo ay hinahatulan ng hukumang ito ng habang buhay na pagkakakulong..." Saad niya kasunod ang tatlong malakas na pukpok ng malyete sa unahan ng pulpito.
Comments