Hindi Lahat ng “Mahal Kita”

Hindi lahat ng “Mahal Kita” ay bituin
Na sa langit ng damdamin ay may ningning.
May mga dilang masarap magsalita
Ngunit kakambal nito’y matinding pagdurusa.
Minsan akong nahulog sa kahon ng kaniyang mata‚
Sa mga pangakong nakangiting ninanamnam kasama niya‚
Ngunit nang masilip ko ang totoong kulay‚ mabilis ding naglaho ang liwanag‚
Kinalawang ang kislap‚ ginawa lamang akong bulag.
Ang pag-ibig na ‘di seryoso ay pait ang kahahantungan‚
Na kahit tunay ang pakay mo ay magiging talunan.
‘Pagkat ito’y hindi sa salita nasusukat‚
Kundi sa kilos at pagpaparamdam na ako’y sapat.
Kaya ang aral sa kahapon ay isisiksik sa damdamin‚
Hindi na basta magtitiwala‚ sarili muna ang uunahin.
Maghihintay na lamang sa tamang oras‚
At kung hindi pa rin tunay‚ walang atubiling aatras.
Comments