top of page

Hindi Lahat ng Kaibigan, Kaibigan

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano



Hindi Lahat ng Kaibigan, Kaibigan

Kung ngayo'y sagana ang isda sa dagat,

at alo'y banayad sa araw na sikat,

marapat mag-impok, magsubi't mag-ingat,

'di piho ang bukas sa kulay ng ulap.


Danas ko ang minsang pag-iga ng laot,

humarap sa init— salanta ng salot,

sigaw man sa gitna ay hindi marinig,

sapagkat nabingi sa hanging kaniig.


Gayundin ang bagyo sa lakas nang dating,

natangay ang lahat nalubog sa lalim,

sa kampay ay pagal kamuntik mapagod

salamat Ginoo at hindi nalunod.


Sarili'ng sasagip sakaling manganib,

lalo na't 'di lahat ng ibig ay ibig,

sa unos ay tanaw kung sinong titindig,

kung sinong lilimot kung walang maigib.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page