top of page

Hindi ka Nag-iisa

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Young Pilipinas Poem - A poem about brotherhood and faith
A poem about brotherhood and faith

Para sa mga taong binabagabag ng dilim,

nababalot ng takot pusong tinatahanan ng lagim,

nagpapatalo sa agam-agam, napapakal kaisapang kay talim,

suliraning walang katapusan—tinatalo ng itim.


Huwag kang matakot harapin ang bagong umaga,

liwanag na natatanaw ay panibagong pag-asa,

hindi palaging may pagtangis, sarilinin ang pagdurusa,

may kaagapay ka sa kabila ng pagsubok ay kasama.


Hindi ka nag-iisa sa ano mang laban,

tulad nang sabi ng Side-A na tumatak sa ating isipan,

na “Basta't tayo'y magkasama,

laging mayroong umagang kay ganda”.

Patunay na sa bawat laban ay mayroon tayong kakampi,

na mananatiling nakaantabay sa ating tabi,

karamay sa lungkot at saya na hinding-hindi mang-iiwan,

maaring pamilya, kaibigan at higit sa lahat, Diyos nating sandigan.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page