Hindi Ako Babae Lang
Para akong kwartang pinapangarap makamit ng karamihan,
nagpatangay sa kung sinumang ninais akong hagkan,
piniit ako na parang itim na perlas sa tila kabibeng relasyon,
nangunyapit sa panalanging magbago ang tadhanang 'di nararapat,
naghintay ang sarili sa paglaya sa mapang-alipustang tadhana.
Laksá-laksáng panahon, oras, at pagtitiis ang lumipas,
nagkaroon ng paglaya sa pagkakasakal sa kalawanging tanikala,
bumungad ang liwanag ng bukang-liwayway para sa panibagong laban,
sinagot ang panalanging magwakas ang relasyong mapangdustâ,
pahimakas sa kaisipang ako'y babae lang.
Comments