top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Hinarap kahit Mahirap


Young Pilipinas Poetry - A poem about how teenage pregnancy
A poem about how teenage pregnancy

Hinahagod ang tiyan at nakikiramdam‚

bakas ang pag-iyak at kaba ay ramdam‚

sa tuwing nag-iisa‚ naglalakbay ang isip‚

ang hiling sa tala‚ ito sana ay panaginip.


Hindi makatulog sa gabi‚ ’di alam ang gagawin‚

sa kaniyang magulang ay paano sasabihin?

Inuunahan ng takot at baka madismaya‚

lalo pa’t ngayon ay nag-aaral pa siya.


Itutuloy ba nang pilit ang nalalapit na pagsilang?

O ipapalaglag na lang ang buhay na nag-aabang?

Nakakulong ang puso sa dalawang pagpipilian‚

natatakot na sa huli ay baka pagsisihan.


Ngunit nanaig sa kaniya ang tamang desisyon‚

itinuloy ang pagsilang at iniwasan ang aborsiyon‚

dismayado man ang magulang ay unti-unti ring tinanggap‚

ang pagkakamali ng anak na mayroon pang pangarap.


Bagamat hindi pa bukas ang isip sa reyalidad‚

hindi niya tinalikuran ang kaniyang responsibilidad‚

nagsilbi itong aral na ’di dapat lahat ay madaliin‚

dahil may oras ang mga bagay na para mismong gawin.


Lakas loob niyang hinarap ang pagiging batang ina‚

ni hindi na inintindi ang kabilaang paghusga‚

minahal ang sarili at maging ang anak niya‚

naging malakas kahit iniwan ng kasintahan niya.


...

Hinarap kahit Mahirap - Young Pilipinas Poetry

Written by Nerelyn Fabro

A poem about how teenage pregnancy


Related Posts

See All

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page