top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Hinaing ng Hikahos



Walang mahihita sa pagpapabatid,

Nabibinging mga taynga hindi makarinig,

Sa hinaing ng bawat dumadaing na alkansya,

Said na ang laman ng gatangan—butas pa ang bulsa.


Habang ang marami'y naghihikahos,

Ang ila'y tangan ang gintong sandok,

Dangan lang din na tayo'y pare-pareho,

Bakit tila sa iilan lang umiikot ang mundo?


Nakakapagod ang ganito,

Kung sino pa ang masipag at dukha s'ya pang naaabuso,

Pagtangis ba sa karimla'y walang nakaririnig?

O sadyang winawalang bahala—kaylan ma'y hindi dinidinig.


Oh! kapwa tao,

Diligan mo kahit kaunting yaman,

Silang dahilan kung bakit ka nariyan,

Maayos ang trono sa sementadong kaharian.


Bagay na sa kanilang sipag at pawis nagmula,

Huwag sanang ipagdamot,

Kahit maliit na pirasong hibla ng tela,

Na idudugtong sa maikli at butas nilang kumot.


-- a poem by Ronjo Cayetano

Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page