top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Hayst, Kababaihan



Gusto kong magtago sa tuwing makikita ko ang mga babae. Ito ay hindi dahil sa mahiyain akong tao, pero natatakot kasing saktan nila ako sa sobrang kagwapuhan ko.


Hindi ako mahanagin, sadyang nagsasabi lang ng totoo. Paano ba naman, sa tuwing makikita nila ang dark and handsome na tulad ko ay titili sila nang pagkalakas-lakas.

Animo'y wala nang ibang magpapakilig pa sa kanila maliban sa tulad kong naiibigan ng lahat.


Habang nakatanaw sa isang sulok, nagbalik tanaw ako sa aking nakaraan.


Noon, tipo ko ang mga bata lalo na kapag idadampi ko ang aking bibig sa kanilang kamay, labing napaka-inisente, at sa mga mata nilang nakakabighani. Lilinawin ko, hindi ako pedophile.


Ngayong nagsilakihan na sila, inayawan ko na sila sapagkat hindi ko na sila malapitan. Na-attached na kasi sila sa kagwapuhan ko na kahit papalapit lang ay nasasaktan na nila ako.


Gusto ko pa sana idetalye ang karanasan ko subalit may narinig akong yabag.

Pagtingala ko'y nagtagpo ang mata namin nitong magandang dilag.


Bigla akong kinabahan nang bumuka ang kaniyang bibig. Alam ko na ang mangyayari kaya lumipad ako sa sobrang kaba.


"Mama, tulong! Nandito si Anthonio, yung ipis na feeling butterfly!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page