Halumigmig ng Dating Pag-ibig
Tag-ulan na naman,
heto ako sa isang silid na balot ng kumot at yakak-yakap ang malambot kong unan.
Subalit ramdam ko pa rin ang lamig ng panahon,
na tila isang time machine na nagpapanumbalik ng samut-saring emosyon.
Tulad ng pag-aakalang nakamtam na ang wagas na pag-ibig,
subalit nauwi rin sa wakas at paalam na binitiwan ng kaniyang bibig.
Hindi mapawi ng isang tasang mainit na kape ang halumigmig,
tila nakabalot na ito sa aking pagkataong minsan din niyang naging daigdig.
Maging ang mga kuliglig sa puno't halamang kulang sa dilig,
ay pawang nagsisialma at naliligalig.
Magbabalik pa kaya ako sa dati?
isang katanungan na binibigkas ko sa'king sarili.
O mananatili na lamang ba ako rito sa isang tabi,
na patuloy na tinititigan ang mga larawang dati'y kasiyahan ngunit ngayon ay hapdi.
Subalit gayon pa man, hindi ako nawawalan ng pag-asa,
na balang araw lamig na panahon ay muling mag-iinit at matatapos din ang pagdurusa.
"Katulad nang pagtila ng ulan,
huhupa rin pag-agos ng mga luha sa mga matang nabalot ng kalungkutan."
...
Young Pilipinas Poetry
Comments