Halika Sinta
Halika sinta, ika'y iguguhit, Ipipinta ang ngiti, aalisin ang sakit, Lalagyan ng kulay, buburahin ang pait, Halika sinta, ika'y lumapit. Halika sinta, bibihisan kita, Aking huhubadin ang takot na nadama, Bibihisan ng bago, papalitan ng saya, Kaya sinta, halika, 'wag ka nang mangamba. Halika sinta, aayusin kita, Aking bubuuhin ang kulang na ligaya, Uulit-ulitin na ika'y mahalaga, Ipapadama na ika'y may kwenta, halika sinta. Halika sinta, ika'y iibigin, Sa mali mong pagkahulog, ika'y patatayuin, Lumbay sa puso, aking aalisin, Halika sinta, lungkot ay lisanin. Halika sinta, lumapit sa akin, Patuloy kitang iibigin kahit iba ang piliin mong mahalin.
--Nerelyn Fabro
Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!
Comments