top of page

Halaga ng Piso

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano


Halaga ng Piso
Tula tungkol sa pag-iimpok para sa hinaharap

Lantad sa 'tin yaong daya niring mundo,

mayrong araw at kung minsa'y bumabagyo,

kapalara'y isang bugtong at 'di piho,

bago pa man maging huli'y magseryoso,

maigi na na sa buhay sigurado.


Hindi baga at mainam kung payapa,

ating puso at isipa'y walang luha,

at sa káting karukhaa'y 'di kakapa,

hindi butas yaong bulsa at mataba,

ang pitaka, sabihin mang isang dukha.


Kailanga'y naiiba sa 'ting gusto,

ang pagwaldas na 'di batid ay 'sang luho,

mahalaga ang piraso kahit singko,

'pag naipon bawat butil mandi'y piso,

balang araw pakinabang isang ginto.

Related Posts

See All

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page