Halaga ng Buhay
Madalas akong sumasali sa mga debate; mapa-eskuwelahan, ‘online’ o barangay pa 'yan.
Hindi sa pagmamayabang, palagi akong nananalo rito. Tulad na lamang sa huling sinalihan ko sa aming barangay.
“Ano Ang Mas Mahalaga, Buhay O Pera?”
Suwerte akong buhay ang napatapat sa akin. Madali kasi itong i-‘defend’.
At nagsimula na nga kaming ibato ang mga punto namin ng aking kalaban. Hindi ko maitatangging mahusay rin siya. Hanggang sa bigla na lamang siyang napahinto sa huling sabihin niya at biglang natulala.
Pagkakataon ko na ito para manalo.
“Mas mahalaga ang buhay dahil ang buhay ay hindi nabibili ng kahit gaano kalaking pera.”
Nagpalakpakan ang lahat. Senyales na ako na naman ang nagwagi.
Kaagad akong umuwi sa bahay para ipagmalaki ang napanalunan ko.
“Tay, nay! Pana... nak, nasa hospital ang tatay. Kailangan natin ng malaking pera para mabuhay siya.”
...
Young Pilipinas flash fiction
Comments