Halaga
Ako si Dismelda Iquiran, labing isang taong gulang na mag-aaral sa ika-anim na baitang na magtatapos na sa elementarya na may titulong "valedictiorian" pagkat nabanggit ng aking guro na isa daw akong estudyante na madaling matuto't umunawa ng mga aralin at sitwasyon.
Ngunit 'di ko maintindihan na sa kabila ng perang natatanggap ng aming pamilya mula sa mayayamang tao ay siyang paghihirap namin.
Hanggang sa mapahagulgol na lamang ako sa lungkot, galit, at hinayang nang mabasa ko ang nakatala sa mga importantrng papeles, aangkinin ang mga lupain at ari-ariang ipinundar ng aming pamilya sa 'di tamang halaga.
At nilagdaan 'to ng aking magulang na 'no read, no write' pala.
...
Young Pilipinas Flash Fictions
Comments