top of page

HAL[I]MU[YAK]

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano


Minsa'y ako'y nabighani,

Sa isang marilag na binhi,

Kaagad ko siyang pinulot,

Inilipat sa paso't oras ko'y ibinuhos,

Aking inalagaan,

Itinuring kong yaman.


Nang sumibol ay lubos akong nagalak,

Sa tuwa'y napalundag bungad ko'y pagpalakpak,

Hindi naglaon yumabong itong daho't katawa'y nagbungad,

Mahal kong binhi'y isa palang huwad,

Sangsang na bulaklak na akala ko'y halimuyak,

Balot ng tinik na sa akin pala'y sasaksak.


Anong pait ng kapalaran,

Sinapit ko'y sakit sagad sa kaibuturan,

Bagay na binigyan ng puro't dalisay na atensyon,

Wasakin at saktan pala ako ang intensyon,

Nang minsa'y mabighani sa kanyang butil,

Balatkayo lamang pala't mag-iiwan ng markang walang kasiguraduhang masupil.


--By Ronjo Cayetano

Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.


0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page