Hagupit ni Paeng
“O, lahat ng ‘evacuee’ lumapit sa una at pumila. Huwag magtulakan at lahat ay mabibigyan.”
Nakakahiya man ang umasa sa bigay na ayuda ng kung sino ay wala na kaming magawa kundi dumipende rito. Halos magdadalawang linggo na rin kasi kami sa ‘evacuation center’ nang salantain ang aming bayan ng bagyong si Paeng.
Tunay na mas lalong pahirap sa amin ang pagkakasakit, haluan pa ng gutom at uhaw. Kaya ganoon na lamang kami kasabik sa kung anong biyaya ang darating para sa amin.
“Inay, gutom na po ako. Buksan n'yo na po 'yang delata ng sardinas,” daing sa akin ng aking anak na namimilipit sa sakit ng tiyan.
Napailing na lang ako na tumutulo ang luha habang nakatitig sa hawak kong delata at napabulong, “ganoon na lang ba talaga kababa ang tingin nila sa aming mahihirap? Parang hayop? E, ‘expired’ na ‘to e.”
Commentaires