Ginto ang oras


Binukasan ng bukang liwayway,
ang katawang nanglilimahid sa katamaran,
inabutan na ng sikat ng araw sa pakikipag siping sa antok at ginaw,
at wala pang balak kumawala sa yakap na unan.
Kay hirap bayang makipaghabulan sa takbo ng orasan,
sa abalang mga sasakyan sa lansangan,
sa nag-uunahang paglanday ng pawis sa katawan,
ang hirap maging tapat sa panahon na dapat ay tagpuan.
Nakasanayan na ang hindi matukoy na pinagmulan niring kasaysayang ligaw,
kanino at saan nga ba nagmula,
sino ang nagpauso at bakit hindi mawala?
Normal pa ba ang palaging maghintay sa ulong hindi mawari kung lilitaw?
Nagagahol ang bawat tagpo,
naiisaalang-alang ang mahahalagang yugto,
umiinit ang ulo at kumukulo ang dugo,
igalang ang oras halaga nito'y ginto.
Comentarios