Ginintuang Ginto ng Pilipinas
Ikaw ay isang matatag na babae
may adhikain at pangarap na hindi isinasantabi.
Sinubok man ng tadhana at kahirapan
hinubog ka ng kay raming karanasan.
Hinarap ang ingay at daya ng mundo
hindi sumuko sa maraming pagkabigo.
Nagtiis sa kakarampot na kusing
para sa pangarap na nais mong abutin.
Diyos at pamilya ang 'yong naging lakas
pamilya, kaibigan, taga suporta at ang buong Pilipinas.
Pamilya na 'yong pinagmamalaki saan mang dako mapadpad
pamilya na handa mong isama sa 'yong paglipad.
Hindi binitiwan ang sariling bayan
bibit ang sagisag lalaban para sa karangalan.
Pinasan mo sa'yong mga kamay ang bigat ng bakal
para sa kampeyonatong inasam-asam nang kay tagal.
Kauna-unahang gintong medalya na minimithi
Dahil sa'yo ngayo'y nakamit na, na mayroong hindi matatawarang ngiti.
Hidilyn Diaz, higit pa sa ginto ang ibinigay mong karangalan
isa kang Bayani na dapat ipagmalaki sa taglay mong pagmamahal sa Bayan.
...
Young Pilipinas Poetry
Comentarios