top of page

Ganiyan ang mga Pilipino

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Ganiyan ang mga Pilipino Young Pilipinas Poetry Nerelyn Fabro
A poem about Filipino hospitality

Sa puso nakatanim‚ ang ugaling nakasanayan‚

likas na magiliw sa bayang sinilangan‚

pagdating sa bisita’y aktibong bumabati‚

pagbubuksan ng pinto’t ipakikita ang ngiti.


“Tuloy po kayo!” ang madalas nilang bungad‚

bahay man ay maliit‚ may natatanging hangad‚

ang maging komportable ka sa loob ng tahanan‚

kaya may baon din silang kuwento para inyong pagsaluhan.


At may pagkakataon din na kapag ika’y tumungtong‚

asahang kape at tinapay ang agad sasalubong‚

ilalabas ni inay ang itinatagong mga plato‚

maging ang mga kutsara’t tinidor na halatang mga bago.


Kilalang-kilala sa pagiging maasikaso‚

kaya mga banyaga’y talagang dumarayo‚

sa puso nilang busilak at purong kabutihan‚

imposibleng ang bisita’y ’di sila balik-balikan.


Kapag nasa Pilipinas‚ lilitaw ang saya‚

umaapaw sa pag-ibig at tunay na dama‚

sa likas na giliw‚ walang makapapantay‚

’pagkat ganiyan ang Pilipino‚ punong-puno ng buhay.

...

Ganiyan ang mga Pilipino by Nerelyn Fabro

Related Posts

See All

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page