top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Forced Love


Covering up a secret of another secret fiction
Covering up a secret of another secret fiction

Simula nang maaksidente ako na naging dahilan ng pagkabulag ko ay tila ba ipinagdamot na sa akin ng tadhana ang makatagpo ng pag-ibig.


Halos mawalan na ako ng pag-asa, hanggang isang araw nakilala ko si Zandra.


Sa kaniya ko naranasan kung paano ang umibig at ibigin. Siya ang kauna-unahang babae na nagparamdam sa akin na hindi ako bulag at walang mali sa akin.


Naging masaya naman ang relasyon namin. Subalit habang tumatagal ay napapansin kong parang pinipilit na lang niya ang sarili n'yang mahalin ako.


Hindi ko alam kung dahil ba sa awa kaya hindi niya ako maiwan o may iba pang dahilan.


Isang gabi ay bigla na lamang akong nagising na may kausap sa telepono si Zandra habang nakatalikod sa akin.


"Ano ba ang pumipigil sa'yo? Bakit hindi mo siya maiwan?" mataas na tonong tanong ng isang lalaki mula sa linya.


"Hindi ko siya maaring iwan babe. Oo, ikaw ang unang minahal ko at hanggang ngayon ay mahal ko, pero kailangan kong manatili para pagbayaran ang kasalanan ko. Kasalanang naging dahilan ng pagkabulag niya."




...

Young Pilipinas

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page