top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Espesyal na Pista


A flash fiction about a different kind of fiesta
A flash fiction about a different kind of fiesta

Kasama ko si Jane sa panonood. May makukulay na fireworks sa kalangitan. Gabi at maingay ang paligid. Ang lahat ay masaya rito sa aming lugar pagkat ito ang pinakainaabangan naming selebrasyon — ang pista.


Ito ang unang beses na nakapunta si Jane sa aming lugar‚ napakalayo kasi nito. Siya ang kasintahan ko at sa mata ni mama‚ perpekto siyang babae dahil maganda ito. Tuwang-tuwa nga si mama dahil sa wakas ay may naipakilala na ako sa kaniya.


Katulad ng inaasahan ay manghang-mangha si Jane sa palabas. Halata mo ang tuwa sa kaniyang mata nang magsimulang sumayaw ang mga kababaihan sa isang malawak na espasyo. Nakasuot sila ng tradisyunal na kasuotan‚ isama mo pa ang makapal na kolorete sa mukha. Praktisadong-praktisado ang kanilang mga paa.


Ang kasunod na eksena ay pumwesto nang pabilog ang mga mananayaw‚ kasabay nito ay ang pagpasok ng mga kalalakihan sa gitna‚ may dala silang nag-aapoy na kawayan. Mas lalong namangha si Jane nang paikot-ikutin nila ito sa kanilang mga kamay nang hindi man lang napapaso. Mayroon pa ngang bumubuga ng apoy.


Matapos nito’y itinipon ng mga kalalakihan ang nag-aapoy na kawayan sa gitna at sila’y sumama sa mga mananayaw na babae. Nakapabilog pa rin sila. Napuno ng sigawan ang paligid habang si Jane naman ay nag-aabang sa susunod na mangyayari.


Isinuot ko na ang aking maskara. Lumabas ang aking ina sa malaking stage at umupo sa magarbong upuan. Dali-dali kong hinawakan nang mahigpit si Jane at umakyat sa stage.


“Mahal kong ina‚ tanggapin mo itong alay ko. Sa wakas ay muli na nating mabubuhay si itay at maghahari muli tayo sa mundo ng mga tao.”

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page