top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

El Niño sa Bagong Lugar


El Niño sa Bagong Lugar

Bagong lugar. Bagong panahon.


Ramdam ko ang init na dumadaloy sa sistema ng aking katawan. Walang pawis na tumutulo ’pagkat maging ito ay natuyo na rin. Grabe pala talaga sa lugar na ito. Parang araw-araw ay may El Niño.


Ang lahat ng taong naririto ay halatang uhaw na uhaw at ang tanging hinihiling ay ang makainom ng tubig. Ngunit paano nga ba kami makaiinom kung ang ulan na siyang tangi naming pag-asa ay tila hindi rin bubuhos.


Nalulubak ang mga lupa at walang puno na masisilungan. Wala ring mga hayop na lumilipad at gumapagang. Maging ang ilog at dagat nga ay hindi ko rin natatanaw. At kahit siguro magpaypay kami‚ hindi matatanggal ang banas.


Habang ako ay naghahabol ng hininga‚ may dumating na nilalang. At sa isang pagsigaw niya na may halong nanggigigil na tawa‚ bumuhos ang nag-aapoy na likido.


Kung sana gumawa na lang ako ng mabuti‚ hindi ko sana naranasan ang init sa ilalim ng lupa‚ ang impyerno.

...

By Nerelyn Fabro

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page