El Jardinero
Iniwan na ako ng lahat. Ang pinakamamahal kong mga anak, maging ang paborito kong apo.
Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan o kung meron ba. Gayong ginugol ko naman ang mga panahon ko para sa kaginhawaan nila.
Ganito na lang ata talaga ang kahihinatnan ng tulad kong matandang uugod-ugod na, at halos kinakapa na lamang lahat ng bagay at espasyo na aking madaanan.
Habang nakalapat ang aking likod sa aking tungga-tungga, bahagya akong napabuntong-hininga, ibinaling ang tingin sa aking maliit na hardin.
“Sapat na siguro 'yon. Ang lalim na aking nahukay sakaling biglain ako ng panahon.”
...
El Jardinero. A realism fiction about aging by Ronjo Cayetano.
Comments