top of page

Dyanitor

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro




A flash fiction about a loyal school janitor
A flash fiction about a loyal school janitor


Suot niya ang kupas na jacket at isang pantalon na puno ng mantsa. Hawak ng dalawang kamay ang isang mop — parang kapatid niya na ito dahil ’di na nahihiwalay sa kaniya. Sa tabi naman niya ay isang timba na tubig ang laman. Sinimulan niya muling linisin ang sahig ng paaralan habang wala pang dumadaan na estudyante.


Isang janitor.


Napakasipag niya. Walang makatatalo sa kasipagan ni Mang Jose. ’Yun nga lamang ay palagi siyang nakasimangot at tahimik‚ bagay na ’di na nakapagtataka kung bakit walang estudyanteng nais makipag-usap sa kaniya.


At kahit nga hindi siya pinapameryenda ay nananatili pa rin siya roon. Tuwing umaga‚ kapag nakapasok na sa silid ang mga mag-aaral at guro‚ nagwawalis siya ng mga nagsihulog na dahon ng mangga. Kapag natapos naman ang recess time‚ pinupulot niya ang mga nagkalat na basura — plastic bottle‚ balat ng kendi at mga ginusumot na papel. Siya ang rason kung bakit nananatiling malinis ang paaralan.


Mahal na mahal talaga ni Mang Jose ang pagiging isang janitor. Parang hindi siya nakararamdam ng pagod sa paglilinis.


Tuwing hapon naman‚ kapag nakauwi na ang lahat‚ tutungo siya sa likod ng paaralan. Masukal doon ngunit ayos lang‚ siya lang naman mag-isa. Bitbit niya ang isang timba na puno ng tubig at isang lumang basahan.


Araw-araw niya itong ginagawa‚ wala na kasing ibang gagawa. Sinimulan niya nang punasan at linisan ang isang sementadong puntod. Nakaukit dito ang isang pangalan, ”Jose K. Gregorio.”

Komentáře


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page