top of page

Disiplinadong Pilipino

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano


A poem about proper waste segregation
A poem about proper waste segregation

Kalikasan ang siyang buhay,

luntiang paligid, kaakit-akit na kulay

sagana sa likas na yaman tulad ng gintong uhay,

huwag hayaang mawala—mabaon sa hukay.


Disiplina ay palaging pairalin,

pangangalaga sa kapaligiran ay ating tungkulin,

basura ay itapon nang wasto—mahigpit na tagubilin,

iresiklo patapong bagay na maaari pang gamitin.

Basurang nabubulok ay aring pataba,

upang magkaroon ng sutansiya natutuyong lupa,

pagsusunog ay mangyaring tigilan,

upang hindi maging banta sa ating kalusuga't kaligtasan.


Maging isang disiplinadong Pilipino,

na may pagmamahal sa Inang yaman na ipinagkaloob sa tao,

kalinisan ng paligid, kaligtasan ng lahat,

kaligtaasan ng lahat—gawin ang nararapat.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page