top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Dis(ABILIDAD)



YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Tulad ng libong kabataang may matayog na pangarap, mithiin—dalangin, naisin ko'y tutuparin.

Binuno ang hirap, pagod at pasakit—sinapit trahedya—tadhana ko'y pumihit.

Sumpang kumapit, dinanas, ginapang lupang sinilingan nitong lumpong talampakan.

Nagpanggap na malakas—'di naglaon tumibay, humarap sa lahat, kumalas sa rehas ng lungkot.

Binalot ng baluting tatag—palamuti mga letrang kalát; sinalat ginamit na agimat talentong iginawad.

Ngayo'y iba sa karamihan, madungisan man palad kong panggapang—gagapang, susulong, aahon akong matuwid gamit ang abilidad.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page