Dilim Sa Araw
Habang tanaw ang dagat mula sa 'di kalayuan, kitang kita ni Rogelio ang mga taong halos mapunit na ang labi sa masilaw nilang ngiti habang dinadama ang tubig mul dagat.
Lingid sa kaalaman ni Rogelio na El Niño na nga pala, kung kaya't hindi niya maitatangging masarap ngang pumunta sa mga dagat upang maligo't magmuni-muni.
Para sa kaniya, masaya siya sa mga taong nangangailangan ng pahinga sa panahon ngayon.
Kahit sa sarili niya, kailangan niya rin ng pahinga.
Subalit paano siya makakapagpahinga kung pagkabaling niya sa ibang direksyon ay bubungad ang malawak na sakahang tuyong-tuyo kung saan 'di na maisasalba pa ang mga tanim na nalanta dahil sa sobrang init.
Nanghihina man ay walang magagawa si Rogelio sapagkat tanggap niyang titiisin nalang niya at ng kaniyang pamilya na walang kikitain at makakaing maayos ngayong buwan ng El Niño
...
Dilim Sa Araw by Colin Cris Celestial
Commentaires