top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

DH: The Untold Story


 A domestic helper story fiction  - Young Pilipinas Flash Fiction
A domestic helper story fiction

Kay hirap tanggapin na mas nagagawa ko pang alagaan ang ibang mga bata kesa sa sarili kong mga anak.

Halos kapapanganak ko pa lamang sa aking bunso, nang magpasya ako mangibang bansa dahil sa hirap ng buhay. Wala rin akong aasahan sa asawa kong batugan.


Tiniis ko ang lahat nang hirap, pagod, pangungulila at pagpapakasakit, para lamang maibigay ang pangangailangan ng aking tatlong anak.


Hanggang lumipas ang labinglimang taon. Bigla na lamang hindi nagparamdam ang aking asawa at tila nawalan na rin nang gana sa akin ang aking mga anak.


Disiyembre na subalit hindi ko pa rin sila nakakausap. “Kumusta na kaya sila?” nangangambang bulong ko sa aking sarili. “Sana makausap ko na sila. Kahit ngayong lang.”


Mag-aalas dose in-punto na at oras na para sa ‘Noche Buena’. Tutok pa rin ako sa aking ‘cellphone’ at inaasahang babatiin ako ng aking mga anak.


Maya-maya pa ay nahagip ng aking tingin ang isang ‘request message’ sa aking ‘messenger’, mula sa hindi pamilyar na pangalan. Dali-dali ko itong in-accept at binasa.


“Ma, patawad, ngayon lang ako nagparamdam. Ako ‘to si Nica, ang ‘yong panganay. Tulungan mo kami ma. Si papa po kasi. Binuntis kami ni nene.”

Related Posts

See All

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page