top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Dasal


Dasal - Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Flash Fiction)
Dasal - Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Flash Fiction)

"Sana po ay gumaling na ang asawa ko," taimtim na dasal ng isang ginang kaharap ang santo habang ako ay nakaupo lamang.

"Sana po makalakad na ulit si mama," saad naman ng dalagang nasa bente ang edad sabay pahid ng panyo sa santo.

Marami ang humihiling sa santong nakabihis ng pormal habang ako'y nagmamasid lamang. Palihim na natatawa na may kasamang ginhawa.

"Hays." Saglit akong napabuntong hininga.

"May silbi rin naman pala itong walang kwenta kong kapatid, sana kumita pa ako lalo sa 'yo." Sabay tingin sa kapatid kong hinukay sa lupa limang taon na ang nakararaan—isang bangkay na hindi pa naaagnas.

1 comment

1 commentaire


Membre inconnu
27 juin 2021

💛💛💛

J'aime

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page