top of page

Dangal ng Bayan

Writer's picture: Colin Cris CelestialColin Cris Celestial

Dangal ng Bayan by Colin Cris Celestial
A poem to recognize teachers contribution to shaping society

Ang mundo'y matuturing na lumalawak

gay'on rin ang bagong kadiliman 

dito'y siyang 'di nagbabago ang proseso sa pagtahak sa kung saang direksyon

na nararapat lamang ay sa matuwid na daan.


Tunay ngang nangangailangan tayo ng gabay

mula sa mas nakaka-alam at may kakayahan

upang ang walang dalít na bombilya ay masindihan

ng nag-uumapaw na pagpapaliwanag sa mga katanungan

na magpapasimula ng pagsibol ng makabagong resolusyon


Mga guro, ikalawang magulang sa paaralan

nakakaantig ang inyong pagsasakripisyong ini-aalay

kayo ang modelong nararapat bigyang karangalan

pagkat 'di matutumbasan ang inyong kontribusyon

sa anumang oras at panahon na inyong iginugol.


Mapatradisyunal o modernong panahon

talagang mas pinili niyong harapin ang mga hamon

tulad ng bagong usbong na metodo at prinsipyo sa pagtuturo

na kahanga-hangang matagumpay na nai-aahon

ang mga kabataan at alin mang henerasyon.

...

Dangal ng Bayan by Colin Cris Celestial

Related Posts

See All

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page