Daluyan ng Pag-asa
Ang lahat ay biglang nabalot ng takot at kaba
Tumigil ang mundo at nawalan ng buhay ang kalsada
Sinubukang ilayo ang sarili, minamahal at pamilya
Papalayo sa sakit na hindi mo alam kung na sa'yo na
Huminto ka't napaisip na tila wala nang babalikan
Umuugong ang pag-aalala na wala nang kinabukasan
Masigla ka nga pero pinanghihinaan ka ng loob
Hindi makatulog ng taimtim, iba-iba na ang kutob
Sa gitna ng mga ito, may isa tayong Panginoon
Sa bawat dumadating na unos ay mayroon Siyang tugon
Batid Niya na tayo'y humihingal na sa sakuna
At kailangan na natin ng tulong mula sa Kaniya
Ipagdasal ang sarili na ika'y maging daluyan
Daluyan ng ngiti't pag-asa na sa iba'y nauubusan
Daluyan ng tulong upang iba'y masiglang makaraos
At maging ilaw ng pag-asang hindi nauubos
Halina't unti-unting umahon sa gitna ng krisis
Ang ating lakas ay tipunin sa isang mahigpit na bigkis
Ang alab ng dasal ay ating i-alay para sa lunas
Silaban pa ang pusong pagtulong para sa iisang Pilipinas
...
First posted on Youtube - Neil Gregori Garen
コメント