top of page

Daig Kayo

Writer's picture: Colin Cris CelestialColin Cris Celestial


Magkaiba ang ating lahi pero pareho ng mithiin,

marating ang tanging kasukdulan na yaring aabutin,

itataya ang bandera ng bansang kapwang kinabibilangan,

at sisimulan na ang pakikipagkarera.


Magkaiba ang ating pisikal na anyo pero hindi ako magpapatalo,

yayanigin ko ang mundong nagtatapon ng panghuhusga sa 'king pakikipaglaban,

itatalon ko ang isa kong paa habang meron kayong dalawa,

matira matibay sa 'ting isa.

'Di limitado ang oras pero kinakapos na sa hangin ang bawat isa,

nagpatuloy ako sa pakikipag-unahan kahit nadadaig ng kapwang natitira,

lumipas ang ilang minuto't ako'y naging pangalawa,

dinaig ko pa ang mga sumuko sa pagtakbo para sa tagumpay.

0 comments

Related Posts

See All

Kommentarer


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page