top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Daan sa Pangarap


Poem about gratitude to the teacher
Poem about gratitude to the teacher

Sa postura't tindig, kami ay natatakot,

sa paraan ng pagtitig, halimaw ang nakabalot.

Strikto, masungit at laging nakasimangot,

ngunit milyong aral pala ang aming mahahakot.


Tinuruan mo kami na magbasa at magsulat,

wika mo'y sa hinaharap, magagamit 'to lahat.

Mga turo mo'y sa isipan marapat na itatak,

lumipas man ang panahon, may kaalaman na papatak.


Kung mangaral ka'y tila ba isang palaso,

ang mga aralin ay agarang tumutusok

at bumabaon sa tuktok ng pagkatao —

mahirap man kaming turuan ngunit bihira ka magreklamo.


Ikaw ang materyales sa pagpanday ng aming kaisipan,

pinapako ang mga gabay na dapat naming matutunan.

Binubuo sa 'ming sarili ang disiplina,

nabibitbit namin ito kahit saan man kami mapunta.


Umiiyak man kami dahil minsa'y nahihirapan,

hindi ka umalis upang kami pa ay turuan.

Isip man namin sa pagsusulit ay naguguluhan,

ngunit nasa tabi ka namin upang kami'y tulungan.


Sinamahan mo kami na lumipad sa mga ulap,

sabi mo'y maglakbay sa makukulay na pangarap.

Dagdag mo pa'y ang paghihirap namin ay para rin sa amin,

at hindi ka nga nagkamali nang ito'y iyong sabihin.


Ikaw ang naging matibay na daan,

kung kaya't ngayon kami ay nagtagumpay na.

Natupad ang aming pangarap dahil sa iyo,

ngayon, isa na akong doktor, salamat, maestra!



...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

1 Comment


Unknown member
Mar 01, 2022

💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page