Consummatum Est
Isang masipag, mabait at matalinong mag-aaral ang anak ni Pina na si Huwan. Sadyang napakapalad niya dito, dahil sa angking talino at tatas ng pag-iisip ng anak ay naging panlaban nila ito, sakali mang mayroon sa kanilang umagrabyado.
Ngunit isang araw ay dinakip silang mag-ina ng mga ganid at mapanlamang na namumuhunan sa kanilang bayan. Pinaratangan ng maling akusasyon dahilan ng pagkasakdal ng anak.
"Anak ko! Maawa kayo!" Sigaw at pagmamakaawa ng isang inang nagdurugo ang puso, habang gapos-gapos ang mga kamay ng kanyang anak at may busal ang bibig.
"Huwag si Inang." Pakiusap ng anak na lubos ang pagmamahal para sa ina.
"Para sa'yo ina, handa akong mamatay," nakangiting sambit ng anak, habang nakatingin sa mga ulap at nakaluhod.
Ilang saglit pa'y "Bang!" Pag-alingawngaw ng baril sa likuran ng anak kasunod ng pagbagsak nito sa lupa.
"Tapos na! Malaya ka na, Inang(Bayan)," huling katagang binitiwan ng anak bago tuluyang nalagutan ng hininga.
Comments